Kelan ba yun? Iyak ako ng iyak para ke Glyzelle at sa mga batang biktima ng karahasan. Kahit si Pope Francis hindi siya masagot, kung bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari yun. Maraming beses akong umiyak, sa misa sa Tacloban at tuwing nakikita ko Ang aking mga kasamahan. I feel so proud of them. Parang napamahal na rin kami sa mga tao at puro papuri narinig ko pati text messages sa akin. Hindi nabawasan ng pagkawala ng food allowance ng ibang kasapi Ang tiwalang aming natamo. Proud na proud ako, sa ulan at araw andon Ang mga pulis natin.
Ilang araw Lang Ang nagdaan, hindi pa tuyo Ang aking mga luha ng marinig ko na maraming pulis sa Special Action Force (SAF) Ang namatay sa kamay ng mga terrorista sa Maguindanao. Pagkatapos makuha si Marwan Ang pinaghahanap na terrorista sa mundo, napaligiran ang 36 na blocking force at walang itinirang buhay. Isa Ang nakaligtas sa pagaakalang namatay na rin ito at Marami pang napatay sa pinagrupo na nakakuha kay Marwan. Isa ba itong kapalit dahil tagumpay Ang police operations at isang kahihiyan para sa grupo nila na maisahan. Kelangang malaki Ang kabayaran, buhay sa buhay at higit pa. 44 tinaguriang #44Fallen ang kapalit at maraming malubhang nasugatan an hindi na magiging normal Ang buhay kailan pa man. Ang mga naging bihag naman ay nakaranas ng karumal dumal na kamatayan.
Buong Pilipinas Ang nagluksa kasama Ang mga Pilipino sa ibang bansa at muling ipinakita ng mamamayang Pilipino Ang Pagmamahal sa kanilang kapulisan.
I never dreamed it would be me,
My name for all eternity,
Recorded here at this hallowed place,
Alas my name, no more my face.
“In the line of duty,” I hear them say;
My family now the price will pay.
My folded flag stained with their tears;
We only had those few short years.
The badge no longer on my chest,
I sleep now in eternal rest
My sword I pass to those behind,
And pray they keep this thought in mind.
I never dreamed it would be me,
And with heavy heart and bended knee;
I ask for all here from the past,
Dear God, let my name be the last.
SALUTE TO THE FALLEN SAF….
*aeon* (copied from A Soldier’s Love fb page)
SANA Di na ako muling luluha nguni’t paano kung naulilang mahal ay unuwing walang ulo o walang kamay, paa at mata. Kung inalisan ng kasarian at ninakawan at hinubaran. Wag sanang magtampo Ang Pangulo na Di tangapin Ang medalyang alay sapagkat sa loob ng Ataul ay uniporme lamang ang nakahimlay sapagkat nabubulok na pirapirasong katawan.
Ang mamatay ng dahil sa iyo at ihandog Ang iisang buhay ay siyang panuntunin at sinumpaan. Hindi ang yurakan ang dangal ng mga tampalasan.
Hindi pa rin maubos Ang luha ko at tuwing masasagi ng alala ay tutulong kusa.