Restorative Justice

Ikulong yan! mabilis ang pasya kahit hindi pa sigurado ang pagkakasala. Eto ang ating batas ang takbo ng pagiisip ng karamihan sa aming mga Filipino, kasama ako. Parang tae na buhusan ng tubig sa inodoro at mawawala na, pisil-pisilin ang pampabango at wala ng amoy. Subali’t tao siya na ikukulong natin, me maiwan na pamilya na kailangang buhayin at ano ang kahihinatnan pagkatapos sa loob ng kulungan. Galit ang namahay sa kanyang puso at nawala ang kanyang pagkakataon na maibigay ang ambag sa lipunan at mapuno ang sarili ng kasiyahan na maging ganap na tao na may dangal at pagpapahalaga sa sarili.

Si Delia ay nakulong nuong buntis siya, sa salang pagpatay, lumipas ang labingwalong taon hindi pa tapos ang kanyang kaso. nakapag debut na ang kanyang anak. Sa pagsusuri na ginawa ng mga namamahala sa piitan para mapaluwag ang mga kulungan, nagkaroon pala ng resolusyon ang huwes na humahawak ng kanyang kaso na mabigyan siya ng pyansa sa halagang tatlumpong libong piso (PhP30,000.00) lamang. Subali’t wala siyang pampyansa kung kaya nag ambag-ambag ang pamunuan ng kulungan para makalikop ng nasabing halaga. Subali’t hindi pumayag ang bagong huwes na me hawak sa kaso. Gayon pa man nagmungkahi siya na umamin na lamang si Delia sa mas mabababang krimen. Ayaw sana ni Delia sapagkat wala siyang kasalanan, pinayuhan siya na pwede na siyang lumaya sapagkat kung aaminin niya ay sapat na ang haba ng itinigil niya sa kulungan. Napilitan si Delia na umamin sa kasalanang di nya ginawa at siya ay napalaya na.

Ano ang pwedeng gawin upang hindi maranasan ang ganitong pangyayari. Ang sagot ay hindi punitive justice o mapagparusang paraan kundi restorative justice, the healing justice o nakakagamot o nakakagaling sa sugat na nalikha ng isang pagkakamali. Lahat ng tao ay me karapatan na mabigyan ng pangalawang pagkakataon. hindi lamang ang biktima ang tunay na biktima, pati ang gumawa ng krimen o kasalanan at ang buong kumunidad ay biktima rin. Hindi nga ba at meron tayong mga katutubong paraan para maayos ang sigalot, meron din tayong Katarungang pambarangay.

Pasintabi na ng lamang at sa Barangay Justice kalimitan ay walang kaalaman na pairalin ang tamang mediasyon o pagaayos para magkaroon ng hustisya para sa biktima, pagsoli ng nawala o bagbayad ng danyos perhuwisyo o ano mang dapat kabayaran.

Para sa nagkasala para maituwid ang kanyang nagawang kamalian at mapagsisihan niya ito at gumawa siya ng karampatang paraan gaya ng paglilingkod sa komunidad o gawain na magbibigay sa kanya ng sapat na paraan para magsisi at maibalik ang nagawang kasalanan. Sa komunidad, para magkaroon ng pagpapatawad at pagtangap sa isang nagkasala o nakagawa ng hindi pagrespeto sa tamang gawi na hinihingi ng lipunan.

Tayo ay nagpapasya sa isang emosyonal na paraan sa maraming pagkakataon, Ang pinakasentro ng isang restorative justice ay dialogue o paguusap. pwede itong sa pamamagitan ng isang tao o grupo para mabigyang daan ang mga usapin at mapalaya ang sakit ng damdamin. Gamutin ang puso at kaluluwa.

Isang pulis ang habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ay naurungan ang kapitbahay na bata. Namatay ang bata at nakasuhan ang pulis, maraming namagitan upang maayos ang kaso sapagkat isa itong aksidente at hindi sinadya. Gayunpaman, hindi nagkausap ang dalawang panig ng maayos. Natangal sa serbisyo ang pulis, nakulong at habang dinidinig ang kaso ay pinagusap ng huwes ang nakakulong na dating pulis at ang kanyang kapitbahay. Sa pagkakita pa lamang sa kanyang kapitbahay ay napahagulhol na ng iyak ang dating pulis at humingi ng tawad sa magulang ng batang namatay. Napaiyak na rin ang mga magulang at sinabi sa nagkasala, Kung humingi ka agad ng tawad sana ay hindi na tayo umabot dito. Pinapatawad ka na namin, naghihintay lamang kami na sabihin mo ang mga salitang iyan.

Sa ngayon na ang ating lipunan ay napupuno ng galit at pagkamuhi, sa nakagisnan natin na pagkukulong agad ng me kasalanan. Hindi ba marapat na pag-aralan natin ang makakabuti sa isang tao na me dangal at pagkatao. Bigyan natin ng pagkakataon na huwag nilang maranasan ang lupit ng kulungan lalo na hindi na makatao ang karamihan sa sitwasyon doon na masikip at walang pasilidad upang malubos ang kanilang pagbabago.

Sana mabago din ang ating pagtingin sa isang nagkasala na hindi siya isang dumi na ipa flush sa inodoro.

Restorative Justice Process

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s