Mga Engkanto sa Kagubatan at Ilog: Tabi Po

Nakaka-aliw at nakakabaliw, tutuo naman. Sino na naman na ipinanganak sa panahon nyo maliban sa mga anak ko ang maniniwalaala na merong engkanto,  bakit kamo?   Pwede siguro Incanto ni Salvatore  Ferragamo. Paborito ko heaven, kasi  hindi ko binili at pasalubong ng pamangkin ko na nagtrabaho sa Singapore.

Tommy Girl ang araw-araw na aking ginagamit at iyon ang aking “natural na amoy”, parang pang espesyal na okasyon lang  ang incanto heaven para maiba kasi mabini sya at parang bulaklak na nasa gitna ng gubat. Para maiba naman, saka mahinhin ang samyo hindi gaya ng tommy girl  parang  matapang, parang ako.  Incanto na may dalang hiwaga at nang-aakit kahit may babala ng hindi maliwanag na hantungan. Hindi ba at masarap na paglaruan ng guni-guni.

99perfume.com

Hindi nakikita ang mga engkanto subali’t me mga pahimakas at pakiramdam na nandito at tutuong nilalang kasama  natin na namumuhay sa kabila ng liwanag at paningin na binulag ng modernisasyon. Maa-aring sabihin na sa kagubatan at sa tubig malimit silang manirahan at maa-ari din naman na sa dahilang nakatawid na sila sa mundo ng mga tao, natutuhan na nilang manirahan sa konkretong tahanan at lungsod.

Moderno na rin ang ating mga kaibigan na tumatawid sa pagitan ng bukang-liwayway at takip-silip.  Bukas lamang ang pangatlong mata ng taong pinapalad na makita sila at malakas ang pakiramdam naman ang makaka-alam na sila ay nasa paligid.

Nuong ako ay bata pa, wala akong takot habang naglalaro sa kabilugan ng buwan pwera na lang kung masimulan ang kuwentuhan ng katatakutan na lagi ay siyang sentro ng aming katuwaan. Ano pa man at tunay na nakaka-aliw ang makinig sa mga pambihirang kwento at biglang magkagulatan at magsigawan sa pagkabigla. Merong mga pikon na iiyak, sabihin pa ay mga bata at ayaw mapahiya na nagulat o naniwala sa kwentong kutsero o hindi tutuo.

Subali’t sa likod ng mga kwento hindi ba at merong pinagsimulan o pinagkunan ng ideya ng mga dwende, tikbalang, mga diwata at kung ano-ano pa. Limitado ang paniniwala sapagka’t hindi naman nakita, naamoy lang. Minsan sa aming pangangaluluwa   merong nakasunod sa amin ng mga kapatid at kaibigan namin na marahil ay nadaanan namin at nabighani sa isa sa amin. Pagdating  sa bahay, maa-amoy namin ang kakaiba minsan ay sobrang baho at parang hindi galling sa lupa ang pinang-galingan sa sobrang tindi ng sansang na nakakasuka. Wala kaming ginagawa kahit lahat kami ay naamoy yun kundi magdasal hanggang mawala ang amoy at maramdaman  na wala na ang kakaibang nilalang.   Hindi namin nakita kahit naramdaman at naamoy pa kaya binabalewala, hindi naming binigyan ng pagkakataon na kami ay matakot o mapalitan an gaming nakagawian tulad ng pangangahangan, paglalaro kung gabi, pagdayo sa mga sayawan at kasayahan tulad ng pyesta sa ibang baryo at bayan. Parte sila ng kapaligiran na hindi naming inisip na palitan bilang pag-galang sa kanilang karapatan na mamuhay kasama natin sa iisang mundo bagaman at maaring merong hati na naghihiwalay upang maging maayos ang buhay ng bawat isa.

Isang gabi na maliwanag ang buwan nakaupo ako sa malapad na pasimano ng bintana nakadungaw at hindi naman uso noon ang akyat-bahay kaya payapang nananalamin sa buwan walang bituin at medyo maulap ang langit. Nandoon sa bahay naming ang aking pinsang kaklase ko, nasa elementarya ako noong panahon na iyon. Kung katakutan ang paksa, isa itong perpektong kapaligiran para lumabas ang multo at mga engkanto. Nakarinig kami ng sipol at nakita naming ang kapatid ng aking pinsang kaklase na dumadaan sa kalye sa tapat ng aming bahay. Tandang-tanda ko na iyon ang damit na suot ng pinsan ko at kasama pa nya ang isang pilay na kapitbahay at meron pa silang ibang kasama. Makalampas sila ay ihahatid na naming ang pinsan ko sapagkat dumating na ang kanyang kapatid sa kanilang bahay. Pagdating sa kanilang bahay wala pa doon ang kapatid nya kaya lumabas kami sa kalye at tumingin sa dako na maaring kanilang pinuntahan, subalit hindi namin nakita ang mga dumaan na pilay pa ang isa. An aming nakita ay isang grupo ng nakaputing nilalang na singdami ng dumaan sa tapat ng aming bahay.

Isa itong karanasan na hindi ko ikinukwento para namang walang maniniwala. Minsan na walang kuryente ikinuwento ko ito sa dalawa kong anak, mula noon gusto nilang pakinggan ang mga kwento ng aking kabataan na masaya, madungis at walang pangamba. Naniwala sila at hindi nag-alinlangan sapagkat alam nila na hindi ko sila bibiruin ng kwentong walang katotohanan. Maniniwala ako kung makikita ko. Iyan ang sasabihin ng sinoman na walang paniniwala.

Noong maliit pa si Patricia, ang aking panganay  wala pang Valerie sa aming buhay, nagpunta kami sa katabing bayan sa Bulacan, sa kabundukan ay may ilog na merong naglalaba at me kalabaw pang naliligo sa bandang dulo na daluyan ng ilog. Nagkakatuwaan kami ng kumara ko at naligo kami sa bandang itaas na malalim ang tubig, si Patricia ay naglalaro sa batuhan at nakahuli ng isang talangka. Inilagay niya ito sa plastic at nagpatuloy sa paglalaro. Pag-ahon namin ay nagulat ako sa parang lobong pamamaga ng talukap ng mata ni Patricia, hindi siguro masakit kaya hindi siya umiiyak. Nakita ko ang plastic na me talangka at naiisip ko lamang na dapat pakawalan. Dali naming pinakawalan ni Patricia at humingi sya ng paumanhin, sabi ko bago ka kasi maupo sa batuhan magpa-tabi ka muna baka merong di ka nakikita dyan maupuan mo. Madaldal na bata si Patricia at hindi nauubusan ng sasabihin, masayahin at madaling pakisamahan kaya parang wala sa kanya na ipagpatuloy ang paglalaro, minsan ko pang tiningnan ang maga sa mata nya. Himala ba o biro lang na nawala na parang hangin lang na dumaan ang magang-maga na talukap ng kanyang mata. Malayo pa ang aming nilakad pabalik at mabigat ang aking anak na nagpabuhat sa sobrang pagod. Masaya at kakaiba ang aming karanasan at hindi na kami muli pang bumalik sa nasabing ilog.

zoologyryk.blogspot.com

Ayon sa aming matatanda, ang mga nilalang na nakatira sa mga ilog at kagubatan ay tagapangalaga at maaring natutuwa rin silang makihalubilo sa mga tao. Iyon ang dahilan ng aming pagtangap na meron sa paligid na ibang nilalang. Igalang natin sila tulad ng ginagawa natin sa ating kapitbahay.

Tabi po tulad ng pakikiraan habang me nagkukuwentuhan o taong nakaharang sa iyong daraanan.

Advertisements

5 thoughts on “Mga Engkanto sa Kagubatan at Ilog: Tabi Po

  1. alm poh natin n nag-eexist ung mga gnong nilalang..pero sbi nga d b walang makatatalo s ating POONG MAYKAPAL!!!pero ang gnda poh ng kwento nyo mhilig poh kc ako mgbasa ng mga gnong kwento……..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s