Lolong, ang Pinakamalaking Buwaya sa Mundo

Paunang Salita: Maligayang Buwan ng Wika at bilang pagpupugay at pagkilala sa aking inang wika, minarapat ko na sulatin ang aking akda sa wikang Filipino.

Lolong, Ang Pinakamalaking Buwaya sa Mundo

Lolong ang napiling pangalan ng pinakamalaking buwaya sa mundo bilang pagkilala sa isang beteranong manghuhuli ng buwaya mula sa Palawan Crocodile and Wildlife Reservation, si Ernesto “Lolong” Goloran Canete na nanguna sa mga nagsagawa ng paghahanap, pagpaplano nguni’t namatay sa sakit sa puso bago pa man nahuli si Lolong sa Bunawan, Agusan del Sur.  

Si Lolong ay nahuli noong ika-3 ng Septyembre 2011 sa isang ilog sa Bunawan, Agusan del Sur makaraan ang mahigit tatlong linggong paghahanap na pinagtulungan ng lokal at nasyonal na ahensya sa paghihinalang pumatay ito ng 2 katao at mga kalabaw. Sinukat si Lolong ng isang experto at nahigitan nito ang pinakamalaking buwaya si ‘Cassius” na nakakulong sa Australia na me sukat na 5.48 metro samantalang si Lolong ay may sukat na 6.17 metro. Kinilala ng Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking buwaya na nahuli ang tinatayang 50 taon na si Lolong. Meron pang mas malalaking buwaya kesa kay Lolong sa Agusan Marsh ayon sa mga tagarito.

 

 Image

Ang letratong eto ay mula sa news.nationalgeographic.com noong mahuli sa Lolong at naiahon sa pagututulong-tulong ng 100 katao bago ito naiahon ay dalawang beses na napatid ang tali. 

 Image

Nakilala ko si Lolong sa aking pagdalaw sa aming mga tangapan sa rehiyon ng CARAGA. Kung nakakagulat ang laki ni Lolong noong siya ay mahuli, parang isang maamo at hindi mapanganib na nilalang ang aking nakita sa kulungan. Hindi gumagalaw si Lolong at napagalaman ko na ito ay gising kung gabi at natutulog sa araw.

 Image

 Image

Isang malungkot na pangyayari kay Lolong ang mabihag at maikulong sa maliit na espasyo, hindi sya napatunayang may kinalaman sa pagkamatay ng dalawang tao sapagkat walang nakuha na parte ng tao noong siya ay pinasuka at pinalabas ang laman ng kanyang tiyan. Halos isang buwan na siya ay hindi pa kumakain sapagka’t lagi ay may mga tao na nanood sa kanya. Medyo nadismaya din ako sapagkat inakala ko na higante si Lolong, sa aking pagpunta sa Thailand ay halos magkasinglaki lang sila ng mga buwaya doon. Malayo din sa  pangunahing lansangan ang kinalalagyan ni Lolong at kung wala kang dalang sasakyan ay merong mga motorsiklo na maghahatid, angkas ka sa likuran. Marami ditto ang skylab o motorsiklo na me upuan sa gilid at naglalaman ng mga sampung katao maliban pa sa kalakal na dala nila.

Isang grupo ang nanawagan na ibalik sa ilog si Lolong na hindi pinahintulutan upang hindi na siya makapagdulot ng takot sa mga tao. Ang Agusan Marsh ay tirahan ng mga buwaya  at hindi ba’t nakakatakot na ang nakaharap mo na ay ibabalik pa sa kanyang tirahan upang limitahan naman ang pagpunta doon ng mg tao. Isa pang plano ay ang paglilipat kay Lolong sa Maynila subali’t sabi nila ay marami na raw sa me bandang Fairview hindi na kailangan pang dagdagan.

Ang aking nakita sa Palawan ay maraming buwaya na inaalagaan at ipinagbibili pati ang laman hindi lamang ang balat, isa itong lugar kung saan maamoy ng isang buwaya na me kasama siya at maari ding isama sa iba para hindi siya manibago sa tirahan. Malawak ang lugar at maayos ang pamamahala sa Palawan kumpara sa tirahan ni Lolong na magisa lang siya, malayo sa daanan ng mga sasakyan at tunay na malungkot hindi lamang kay Lolong kundi pati sa sino mang pupunta doon. Isang eco-park ang balak itayo at ang panukala ay dapat samahan ng mga tirahan para sa mga bibisita kay Lolong.

 Image

 Image

Advertisements

2 thoughts on “Lolong, ang Pinakamalaking Buwaya sa Mundo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s