Pagpapakilala

Paano mo ba ipapa-kilala ang iyong sarili? Magsimula ka ba sa simula ng iyong buhay? My autobiography, natatandaan ko na ganon ng nong nasa elementarya pa lamang ako. Simulan sa kapanganakan, mga magulang, ilan ang kapatid, pang-ilan sa magkakapatid, ano ang mga hobbies, paboritong kulay, artista, musika, at kung ano-ano pa? Noon yun… noong wala ka pa akong maraming pwedeng sabihin tungkol sa aking sarili. Mas mahirap pala kasi hindi ko alam kung paano magsimula. Kelangan na maikli at malaman, ano ang pwede kong sabihin sa isang minuto.

Bakit naman kasi!  meron namang apat na pahina ng Personal Data Sheet, labing apat na pahinang Personal History Statement, pero kulang yun para sabihin kung sino ka talaga. Kailangan ko pang magbigay ng maikling pagpapakilala. Nagtapos ng kursong… teka! si Steve Jobs hindi naman nagtapos naging speaker sa graduation ng Stanford University, ganon din si Bill Gates. Ibig sabihin, not counted… hindi ibig sabihin kapuri-puri ka dahil marami kang tinapos na kurso. Walang added value, ika nga. Kung ganon, ano ba ang mahalaga at dapat ipagmalaki. Ang dalawa kong anak, yun na! pero hindi yun katangap tangap sa mga edukadong makikinig sa aking sasabihin.

Para mapanatag ang kalooban ng makikinig, simulan ko sa aking pinagsikapang pag-aralan, mga bansang aking narrating at mga mataas na katungkulan na aking nahawakan ng buong husay. Yun kasi ang inaasahan ng makikinig, na meron akong natutunan sa dami ng kursong aking natapos, pero hindi ko nasabi,  “pagkatapos kung mag-aral, manaliksik, mag-analisa ng pamumuhay at patakaran ng ibang bansa, ang naiwan sa akin ay edukasyon”, hindi nasaulong mga teorya o mga kamangha-manghang kaalaman. Ang naiwan ay pang-unawa mula sa masusing pagaaral, ang mga leksyon ng buhay at pagmamahal.

Oo naman, pagmamahal, sapagkat sa lahat ng aking natutunan at naranasan, nabuo ang aking tiwala sa sarili at sa ibang tao. Kahit me nagsasabi na sobra akong transparent at sobrang tiwala. Hindi naman siguro, alam ko lang na kahit anong gawin ng ibang tao, hindi ako maaring sirain o maapektuhan ng wala akong pahintulot. Maturity daw ang tawag doon. Hindi naman ako ganoong kasigurado sa aking sinasabi, wala sa akin ang monopolya ng karunungan.

Transcendence yan ang kabuan ng aking pagkatao, pagmamahal sa kapwa at tiwala, paniniwalang sa buod ng isang tao ay nandoon ang kabutihan at lagi ay pipiliin nya ang tama kung meron din lang pagkakataon. Yun ang dapat na ibigay, ang pagkakataon, hindi ipitin at pilitin. Ang pang-unawa na minsan ay nawawala din pag pumapasok ang pagmakasarili, natural yata yun sa isang tao kahit sabihin pang naiangat na nya ang kanyang sarili, sapagkat ako ay tao lamang.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s