Saranggola sa Ulan

Nakatingin ako sa eroplano at naiisip ko nakakalipad na ang bakal at sa kabilang dako ay mga barko, ang mga bakal na nakalutang sa tubig. Subali’t tama bang isipin ko pa na mag saranggola sa ulan?

 

Naririnig ko pa ang tawa’t hagikhik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan, ako’y dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam

Sa aming kamusmusan
Kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa’y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig ng walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko
At sa pagmamadali nasagi ang aking puso

Eto na naman
ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian
Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan

Gaya ng lagi’t laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo

Eto na naman..

Heto ako, tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan

– Gary Granada

Advertisements

2 thoughts on “Saranggola sa Ulan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s