sana ang aking nakukubling tinig na may pagsamo at kumukurot ay muling marinig ūüėÄ

sasaliwngawit

 

May kaluskos, may lagaslas at may lantay na di-mawawaang ingay. May nagsasapawan, may nag-uunahan at may nagsasalimbayan. Nakabibingi.

 

May dumadagundong, may dumadaluyong at may sumasadsad. May gumuguhit, may sumusugat at may gumugurlis.  May sumasargo, may bumubuhos at may tahimik na dumadaloy.

May gumigibik, may nanangis at may nagngunguyngoy. May nakikiusap, may nagmamakaawa at may nananalangin. May sumisigaw, may humihiyaw at may nagpapapalahaw.

May dumaraing, may humihiling at may tila nangingilin. May humihimig, may naghehele at may marubdob na umaawit. May nagtutungayaw, may pumupukaw at may nag-aapoy ang bitaw.

 

May matinis, may mababa at may katamtaman. May gumagaralgal, may nag-aantabay at may  sumasalipawpaw. May paputul-putol, mayroong tuluy-tuloy at may tila nanghihingi ng abuloy.

May mabini, may malamyos at may malambing. May parang nandadagit, may tila lamang paningit at may pabulong ang banggit. May nanlalandi, may nanlalansi at may simpleng nananaghili. May nakayayamot, may nagpapalimot at mayroon…

View original post 207 more words

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s