Huwag mo akong pilitin

Maalinsangan ang panahon at unti-unting pumapatak ang ulan nguni’t lalo pang tumutulo ang pawis sa aking likuran. Mabagal na tumayo ako upang alisin ang sando na basang basa ng pawis. Nagiinit ang aking kalooban hindi lang sa singaw ng init na aking nararamdaman, naiinis ako. Akala ko sa araw na ito ay matatamo ko na ang aking hinihintay na bunos. Ang alam ko kasi ang mga guro ay nakatangap na ng mid-year bonus, bakit wala pa ang sa amin?

Nasusuka na ako habang pinapanood si Miririam na iginigisa si Harvey sa Senado, pinapagalitan gayong wala itong kasalanan at pati si Juan ba naman? Bakit siya ipinatawag gayong wala naman daw saysay o halaga at ni hindi binasa ang mga dokumentong hindi naman inihain bilang ebidensya. Ginawa na daw ang resolusyon para maparusahan si Harvey sa pagkakaroon ng listahan ng banko kung saan me dolyar na nakatago si CJ. Ano ba sila at pagalingan sa pagsasalita. Ano kaya ang kasalanan ni Harvey? Ah! Yung lumabas sa dyaryo, ano ba ang tutuo sa dyaryo? Mahirap din palang magmagaling. Mabuti na lang at mahusay magdala si Harvey, wala naman kasi siyang mga dolyares na itinatago.

Noong isang araw, natuwa ako. Nakita ko ba naman si Carpio-Rosales na tinatanong ni Cuevas at Mirriam. Yan ang dapat, hiniya ba nila si Carpio?, mali pala ang tanong ko, kinaya ba nila? Ganyan kasi ang buhay pinipili ang kakayanin. Mea culpa, me naisusog pa ba si Mirriam? Nagagalit na ako, sayang ang pera at oras nauubos sa pagpapahaba ng diskusyon. Madali lang naman ang solusyon, isaisantabi ang TRO ng Korte Suprema sapagkat bilang Impeachment Court mas mataas ang Senado. Hindi ginagamit dito ang pagkakapantay-pantay ng tatlong sangay ng gobyerno. Hindi baga at Vox Populi, Vox Dei, ang taong bayan ang nagsasalita sa ibinigay na kapangyarihan sa Kongreso, partikular sa Senado upang litisin ang nagkanulo sa tiwala ng taong bayan.

Maraming empleado na nasa banko ang nagbibigay ng impormasyon subali’t hindi maibigay ng lantad kaya anonymous sapagkat me batas na nagbabawal sa kanila na gawin yun. Ayaw ng Senado ng anonymous o walang pangalan, wala naman pagpilian sapagkat baka sila naman ang maihabla.

Nakakatakot naman talaga na matuklasan mo na meron palang kapangyarihan ang OMBUDSMAN na nasa Konstitusyon na gamitin ang mga ahensya ng gobyerno at sa lawak ng kapangyarihan na naibigay sa Anti-Money Laundering Council na pwedeng alamin ang anumang transaksyon na aabot sa kalahating milyon sa alinmang banko at walang pagbabawal at hindi sakop ng regulasyon na di pagsisiwalat ng detalye ng halaga ng pera o kung meron man na nakadeposito sa banko.

Huwag mo na akong pilitin at baka mahubad ko pati shorts ko sa sobrang init.

Advertisements

3 thoughts on “Huwag mo akong pilitin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s