Lihim na lihim

Ano nga kaya at lahat ng tao ay merong lihim. Ang iba ay lihim na alam ng lahat ng tao na kanyang kakilala subali’t hindi inuungkat kung siya ay kaharap, eto ay lihim na lihim. Meron din naman na nakatagong lihim na hindi nalalaman ng sino man sapagkat nasa isipan lamang ng isang tao, eto ang kanyang hindi masabing damdamin o di kaya ay mga iniisip na pangarap o adhikain kung kaya eto ay nakatagong lihim at walang taong apektado kundi siya lamang.

Maraming uri ang lihim, lihim na alam ng dalawa o tatlong tao lamang at hindi inaakala ng karamihan, mga lihim na medyo marami ang nakakaalam, pamilya at kaibigan, mga lihim na alam ng buong mundo hindi lamang ng barangay, mga lihim na inaakala lamang o gustong ipahayag na lihim upang magbigay ng  interes sa nakakarami o para guluhin ang kaisapan ng pinaguukulan, marami pang uri ang lihim.

Masakit isipin na lihim na lihim ang iyong akala upang malaman na ikaw na lang – ang taong nasasangkot ang hindi nakakaalam. Ang mas masakit ay ikaw ang pinaguusapan dahil wala kang kaalam alam gayong alam sa tindahan, sa baberya, sa karinderya, sa lahat ng umpukan. Ano nga namang sakit upang malaman mo kung wala na ang taong nagtatago ng lihim.

Meron din naman na masarap isipin na lihim na lihim at pinaghirapan ng mga taong nasasangkot na itago sa iyo sapagkat merong sorpresang inihahanda para sa iyo. Anong ligaya ang iyong madarama kung sumapit ang araw na malaman mo ang paghahanda ng lihim na lihim at lahat ng ninanansa ay iyong makamtan.

Image

Isang larawan na aking kinuha habang nasa loob ng Palawan Underground River. Ang sabi ng bankero ang mga nasalubong namin ay mga kabag (bats) subali’t lumabas sa aking kuha na hindi sinasadya na ang dalawang nasa dulo ng bato na nakalawit sa itaas ng kweba ay mga balinsasayaw.

Ang nasa kaliwa ay ang itsura nag balinsasayaw (swift or swallow) hindi ko matukoy kung alin sa dalawa. Balinsasayaw ang nasa Palawan na gumagawa ng pugad sa pamamagitan ng laway at ginagawa itong sopas. Sa labas ng ilog sa ilalim ng lupa ay matataas na batong pader at burol na pwedeng pamugaran ng mga balinsasayaw. Sa ngayon isa itong lihim sa akin na di nabatid kung anong ibon ang nahuli ng aking kamera.

Image

Image

Image

Advertisements

2 thoughts on “Lihim na lihim

  1. pinakamasarap na lihim siguro ay ‘iyong lihim na pagtingin. haha. at ang pinaka-delikadong lihim naman ay ang lihim na pagnanasa. lihim naman ng mga mayayaman ay ang, lihim ng golden buddha.

    meron pa bang, kaka-ibang lihim?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s